www.thename.ph

www.suurinimi.com

The Revelation of the Great Name of God

and of the Testimony of Jesus, and the New City of God, the New Jerusalem and the Coming of the Foreigner of God


"Generations come and generations go, but the earth remains forever." - Ecclesiastes 1:4 (NIV)

The world will not end, it will have a new beginning. One people, one world and One God.

The LORD will be king over the whole earth. On that day there will be one LORD, and his name the only name. Zechariah 14:9 (NIV)

The Name of God Revealed (NIV) | The Name of God Revealed (Tanakh) | The Testimony of Jesus | The Coming of the Foreigner 

Language versions:

English

Filipino

Finnish



Home - TheName.Ph
About
News
Sitemap
Email
Part 1: The Revelations
 Introduction
 
Introduction 2
 
The Condition of the World

 The Root Cause of Divisions

 The Greatest Deception

 The Name of God - Tanakh
Part 2: The Real Jesus
 The Testimony of Jesus
 
Are we cursed?
 
The Curse of God
 
Blessing & Curse
 
Who was Jesus?
 
A Short Story of Maestro
 
The Prophecy of God
 
The “Son” of David?
 
Will give one tribe
 
The Great Pretender
 
The Bright Morning Star
 
The Power of Jesus
 
The Deception of Jesus
 
Regarding Sins
 
The Deception of Satan
 
Did Jesus live again?
 
About The "Third Day"
 
The Reason Of It All
Part 3: The Name of God
 The Great Name of God
 
The Name of God - Tanakh

 Salvation in the Name of God 
 
The Promise of God
 
Authority of the Prophets
 
Visions of the Prophets
 
The Blessing and The Curse
 
The Commandments of God
 
The Counselor of Jesus
 
Jesus without Sin?
 
The Word became flesh
 
The Suffering Servant
 
Prophecy of Good against Evil
 
The Beast in the Holy Bible
 
The Great and Dreadful Day
 
End of Satan's Reign on Earth
Part 4: The Revelations
 The Coming of the Foreigner
 
The Sign of the "Day of the Lord"
 
The Curse on Babylon
 
Events that will happen soon
 
The Middle East Wars
 
What if the People will not heed?

 Part 5: Other Revelations
 Cherub in the Garden of Eden
 
Baptism by Water
 
Regarding the Origin of Baptism
 
Deceivers and Deceived

 Concerning tithes
 
Of Rites and Offerings
 
Of Prayers and vows
 
The Food that We should Eat
 
The Tree of Life
 
Be fruitful and increase


Unang Pahina - TheName.Ph

Tungkol sa Website
Mga Balita

Sitemap
Email
Unang Bahagi: Mga Pahayag
 Paunang Salita
 
Paunang Salita 2
 
Ang Kalagayan ng Mundo
Ikalawang Bahagi: Si Jesus
 Ang Patotoo ni Jesus
 
Tayo Ba Ay Nasumpa?
 
Ang Sumpa ng Dios
 
Pagpapala At Sumpa
 
Sino si Jesus?
 
Maikling Kasaysayan - Maestro
 
Ang Pahayag ng Dios
 
Ang Binhi ni David
 
Kundi ibibigay ko ang isang lipi

 Ang Dakilang Mapagpanggap
 
Maningning na Tala sa Umaga
 
Ang Kapangyarihan ni Jesus
 
Panlilinlang ni Jesus
 
Tungkol sa Kasalanan
 
Panglilinlang ni Satanas
 
Jesus, nabuhay muli?
 
Ang "Ikatlong Araw"
 
Ang Dahilan ng Lahat
Ikatlong Bahagi: Ang Pangalan
 Ang Dakilang Pangalan ng Dios
 
Pagliligtas sa Pangalan ng Dios  
 
Ang Pangako ng Dios
 
Ang Karapatan ng mga Propeta
 
Mga Pangitain ng mga Propeta
 
Ang Pagpapala at Ang Sumpa
 
Ang mga Kautusan ng Dios
 
Ang Mangaaliw ni Jesus
 
Si Jesus, walang pagkakasala?
 
Ang Verbo - Si Jesus?
 
Ang Abang Lingkod
 
Mabuti Laban sa Masama
 
Ang "Hayop" Sa Banal na Aklat
 
Ang "Kaarawan ng Panginoon"
 
Ang Wakas ni Satanas
Ikaapat na Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Taga Ibang Lupa
 
Ang Sumpa sa Babilonia
 
Ang mga Magaganap na madali
 
Digmaan sa Gitnang Silangan
 
Kung hindi pakikinggan?

Ikalimang Bahagi: Mga Pahayag
 Ang Kerubin ng Dios
 
Ang Pagbabautismo ng Tubig
 
Ginaya ng Pagbabaustismo

 Hinggil sa Manloloko at Naloko

 Tungkol sa Pag-abuloy
 
Pagdiriwang at Pagaalay
 
Pananalangin at Pagpapanata
 
Hinggil sa Pagkain

 Ang Punong Kahoy ng Buhay

 Kayo'y magpalaanakin...


Unang Pahina | Tungkol sa site | Balita | Sitemap | Email

 

Ikalawang Bahagi: Ang Tunay na Jesus sa Banal na Aklat

 

Basahin ang Pahinang ito sa Ingles.

 

ANG PATOTOO NI JESUS

Ayon sa Nasusulat sa Banal na Aklat

Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005

 

Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang malaking bahagi ng pagkakakilala ng sangkatauhan tungkol kay Jesus ay mula sa mga aral na ibinigay ng mga relihiyon, at kinalakihan na rin ito ng lahat. Nguni’t ano naman si Jesus ayon sa mga nasusulat sa Banal na Aklat?

 

Narito ang pagkakaiba. Dumating si Jesus na may misyon mula sa Dios na ganapin sa kanyang bayan, ano ang pahayag ng mga Propeta ng Dios tungkol sa pagkakapili sa kanya at nagampanan ba niya ng lubos ang ipinag-uutos sa kanya?

 

Alam ng lahat na ang mga relihiyon ay nagkaka-isa sa pagkakilala at pangangaral tungkol kay Jesus bilang “bugtong na anak ng Dios,” na “nagpagaling ng may mga sakit,” “bumuhay ng patay,” at “namatay upang sa pagpapatawad ng mga kasalanan sa Dios.”

 

Nguni’t sila ba’y tunay na nangangaral ng tapat tungkol kay Jesus at sa Dios ayon sa Banal na Aklat?

 

Kung gayo’y bakit hindi sila nagkaka-isa at sa halip ay nag-aaway away pa? Ang mga relihiyon nga lang ba ang tanging may karapatan at kapahintulutan na ipakilala si Jesus mula sa Banal na Aklat sa lahat?

 

Kung gayon, bakit hindi ipinangaral ng mga relihiyon ang tungkol sa pagdating ng isang “anghel” o ng isang “tagapag hatid balita” ni Jesus, na si Maestro Evangelista, na inihayag ng isang propeta ng Dios sa Aklat ng Apocalipsis sa Kabanata 22:16 sa Banal na Aklat?

 

Kahit ipagtanong sa mga relihiyon, hindi nila ito maipapaliwanag ng mabuti. Ano ba ang sinabi ni Jesus noon?

Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

Apocalipsis 22:16 (TAB)

“anghel” – isang tagapag hatid balita, ano ang dalang balita tungkol kay Jesus?

 

“magpatotoo ng mga bagay” – ang “anghel” ay may patototohanan kay Jesus, at kanino pa nauukol ang patotoong ito?

 

“sa mga iglesia” – sa lahat ng mga relihiyon na may pananampalataya kay Jesus. Ano ang pototohanan ng “anghel” kay Jesus?

 

“Ako ang ugat at ang supling ni David” – ito ang patototohanan ng “anghel:” Si Jesus ay isang “supling” o “anak ni David,” o mula sa Sangbahayan ni David. Dahil iba ang itinuro ng mga relihiyon tungkol kay Jesus (na bilang bugtong na “anak ng Dios”), itutuwid lamang ng kanyang “anghel” ang kamaliang ginawa ng mga relihiyon, upang maibalik ang tunay na karangalan ni Jesus sa Banal na Aklat.

 

At ano pa ang patotohanan ng “anghel” niya?

 

“ang maningning na tala sa umaga” – sa patotoo lamang ng “anghel” ni Jesus ay mabibigyan ng tamang kaalaman at pag-unawa ang lahat kung ano ang tunay at natatanging misyon ni Jesus mula sa Dios para sa bayan niya, at upang malaman na rin sa wakas kung ano ang dahilan ng sinabi ni Jesus na siya rin ang may tanging tanda ng “maningning na tala sa umaga” sa Banal na Aklat.

 

Ang Pahayag na ito ay magbibigay linaw sa mga hindi pagkakaunawaan sa aral ng mga relihiyon at mga tao tungkol sa tunay na Jesus. Ang Banal na Aklat, sa pamamagitan ng "Anghel" ni Jesus, ay nagbibigay ng bagong kaunawaan sa mga hiwaga na bumabalot sa katauhan ni Jesus, at ang mga kadahilanan kung bakit ang mga relihiyon at mga bayan ay nagpapatayan sa ngalan niya (ni Jesus). Dapat ang ginawa ng mga relihiyon ay sinabi sa lahat na hintayin na lamang ang “anghel” na darating upang makilala at maunawaan ng husto ang tunay na Jesus. Ang nangyari ay kanya-kanya sila ng paliwanag, nagkagulo tuloy ang lahat.

 

Isang halimbawa ay ang sadyang pandaraya at ginawang paglito ng mga pinuno ng mga relihiyon sa katauhan ng "anghel" na darating (Apocalipsis 22:16) na ito rin daw ang “ikatlong persona” ng Dios na “Espiritu Santo” na sinasabi nila na bumababa raw sa kanila kapag sila ay nangangaral, parang sinaniban ng kung anong hindi maipaliwanag na kapangyarihan – Nawala na ang unawa!

 

Isang tao lamang ang darating na may patotohanan kay Jesus, nakasulat iyan ng malinaw sa Aklat ng Apocalipsis ng Banal na Aklat!

 

At ngayon ang sinabi ni Jesus ay naganap na, dumating na ang tunay na "anghel" na may dala ng Patotoo para sa kaniya at ang Salita mula sa Dios. Ang mga relihiyon ay natagpuang walang alam sa dala niyang patotoo na nakasulat sa Banal na Aklat! Dahil hindi rin sila ang inutusan o sinugo ng Dios! Ang dapat gawin ng mga relihiyon ay pakinggan ang Patotoo ng “anghel” tungkol kay Jesus.

 

Ang dahilan kung bakit ang lahat ay nabibigla o natitigilan sa mga paghahayag ng "anghel" o ni Maestro Evangelista ay dahil na rin sa mga baluktot at mga maling aral ng mga relihiyon: tungkol sa mga pahayag ng Dios at sa tunay na Jesus sa Banal na Aklat! Sa pagkakataong ito, malalaman na ng lahat na ang mga relihiyon ay nagpakilala ng ibang Jesus na hango sa isang bahagi lamang ng Banal na Aklat at sa mas malaking bahagi ay mula sa kanilang tinanggap na mga aral; mula sa mga tagasunod ni Jesus at sa mga naunang simbahan. Sa pag-iisip na si Jesus ay ang "bugtong na anak ng Dios," nguni't mababasa sa Patotoo ni Jesus na siya ay nagmula lamang sa "binhi ni David" (Apocalipsis 22:16). Sino ang paniniwalaan ninyo ng tunay: ang mga relihiyon o si Jesus na siya na rin mismo ang nagsabi?

 

Sa bahaging ito, ang tunay na Jesus ay patototohanan ni Maestro Evangelista sa lahat sa pamamagitan ng Salita ng Dios mula sa Banal na Aklat. Siya rin ang taong binigyan ni Jesus ng kapahintulutan at karapatan upang ipaalam sa lahat ang katotohanan; siya ang magbibigay ng tunay na kaunawaan kung si Jesus nga ay:

• ang “bugtong na anak ng Dios”

 

• na siya ay "Ang Salita na Nagkatawang Tao"

 

• na dumating upang maghari at tumanggap ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng mundo

 

• na tinubos ang kasalanan ng lahat

 

• na nabuhay muli

 

• na umakyat sa langit

 

• na magbabalik sa ikatlong araw

Isipin, matagal nang patay si Jesus, at kung sasabihin na siya ay magbabalik sa laman ay hindi totoo. Kung gayon, sino ang magdadala ng Patotoo ni Jesus upang malaman ng lahat ang katotohanan? Ang binanggit na “anghel” lamang niya!

 

Si Maestro Evangelista ay sinugo upang ipakilala ang Dakila at Banal na Pangalan ng Dios at ibigay ang Patotoo ni Jesus:

Ang Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;
Na sumaksi sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.
Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.

Apocalipsis 1:1-3 (TAB)

At sinang-ayunan o pinatotohanan pa ni Jesus sa:

Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa umaga.

Apocalipsis 22:16 (TAB)

Malinaw na nakasulat, nagsugo ang Dios ng isang “anghel” upang maghayag tungkol sa tunay na Salita ng Dios para sa lahat, at gayundin si Jesus, sinabi rin niya na siya ay magpapadala ng isang “anghel” na magpapatotoo sa kanya; nangangahulugan, ang “anghel” ng Dios at ang “anghel” o "tagapag hatid balita" na nabanggit sa Patotoo ni Jesus ay iisa, si Maestro Eraño M. Evangelista!

 

Bakit hindi ito binanggit ng mga relihiyon sa kanilang mga aral? Ito ay isa sa mga pinakamahalagang pahayag na nasusulat sa Banal na Aklat, dahil ang “anghel” ang maghahayag ng Pangalan ng Dios para sa lahat, hindi ang mga relihiyon!

 

Bakit mahalaga na malaman natin ang Pangalan ng Dios?

Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.

Awit 54:1-2 ((TAB)

May Pangalan ang Dios, at sa Kanyang Dakilang Pangalan tayo ay maliligtas. Kaya ang "taga ibang lupa" ng Dios, na "anghel" rin naman ni Jesus, ang siyang magpapakilala ng Dakilang Pangalan ng Dios upang tayo ay maligtas sa mga panahon ng walang katiyakan.

 

Ipapaliwanang ni Maestro Evangelista sa lahat kung bakit si Jesus ay sinugo noon ng Dios: kung natupad niyang lubos ang tunay na misyon, ang dahilan ng maagang kamatayan at kung magbabalik nga ba siyang muli. Dahil kung nagampanan noon ni Jesus ang lahat ng ipinag-utos sa kanya ng Dios; maganda, masagana at mapayapa na sana ang pamumuhay ng lahat noon pa man at hindi na kailangan pang ipasulat ang Aklat ng Apocalipsis at ang Patotoo ni Jesus na ipinadala sa binanggit na “anghel” upang ihayag sa lahat. At hindi sana ganito kagulo ang mundo ngayon. Parang ang mundo ay isinumpa.

 

Maitatanong: Anong Sumpa? Totoo ba na ang mundo ay sumasailalim sa Sumpa ng Dios?

 

Maaaring hindi napapansin ang lumulubhang kalagayan ng mundo sa kasalukuyang panahon. Basahin at tuklasin ang katotohanan tungkol sa Patotoo ni Jesus na nasulat sa Banal na Aklat.

 

Bumalik sa Itaas.

 

Magpatuloy sa: Tayo ba ay nasumpa?

 


Ang pahinang ito ay huling inayos noong: Wednesday May 28, 2014


The Revelation of the Foreigner as mentioned by King Solomon in:

“As for the foreigner who does not belong to your people Israel but has come from a distant land because of your name— for they will hear of your great name and your mighty hand and your outstretched arm—when he comes and pray toward this temple, then hear from heaven, your dwelling place. Do whatever the foreigner asks of you, so that all the peoples of the earth may know your name and fear you, as do your own people Israel, and may know that this house I have built bears your Name."

I Kings 8:41-43 (NIV)

 


 

Maestro Eraño M. Evangelista was only sent to deliver God's Message to all people; he is not starting a new religion, nor asking for any kind of donation. Please find time to read the messages completely.

 


 

View the visitors from around the world:

 Click on the Revolving Map to view it entirely.

Since May 13, 2011

If for some reason that you cannot see the map in the link page, simply download the latest Java plug-in for your browser. Click here to install the latest version of Java.


Geo Visitors Map


 

Read the prophecies in your own language by linking to the BibleGateway.com website:

(Right click on the image and select "Open link in new window.")


 


Home | About | News | Sitemap | Email

Copyright © 2022    www.thename.ph